Ginebra, pasok na sa quarterfinals

By Jay Dones May 22, 2017 - 04:25 AM

 

pba ginebra beermenrPasok na sa 2017 PBA Commissioners Cup quarterfinals ang Barangay Ginebra Gin Kings matapos nitong talunin ang San Miguel Beermen sa kanilang paghaharap sa Mall of Asia Arena, Linggo ng gabi.

Naungusan ng Ginebra ang San Miguel sa score na 107-99 na nagbigay-garantiya sa Gin Kings ng puwesto sa quarterfinals.

Samantala, kahit natalo ay pasok pa rin naman ang Beermen sa quarterfinals sa score na anim na panalo at dalawang talo, na kapareho ng Gin Kings.

Nakatulong ng malaki sa panalo ng Ginebra ang 34 puntos at tatlong steals ni Justin Brownlee samantalang nag-ambag rin ng 20 puntos si LA Tenorio.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.