Arnold Schwarzenegger, babalik bilang ‘Terminator’

By Jay Dones May 22, 2017 - 04:24 AM

 

Arnold-Young-Terminator_0Hindi pa tapos ang pagganap bilang isang ‘Terminator’ ni Arnold Schwarzenegger.

Ito’y matapos kumpirmahin ni Schwarzenegger sa isang panayam sa Cannes na gaganap siyang muli bilang ‘Teminator’ sa isang bagong pelikulang ididirek ng original ‘Terminator’ director na si James Cameron.

Ayon sa Screen Daily, sinabi ng aktor na naghahanda na sila sa muling pagbabalik ng franchise at magiging bahagi siyang muli nito.

Si Schwarzenegger ay naunang sumikat nang gumanap ito bilang isang ‘Terminator’ sa 1984 science fiction film na nasundan ng ilan pang ‘sequel’.

Sa pelikula, ipinadala ang ‘Terminator’ sa nakaraan upang patayin ang ina ng lider ng ‘resistance’ upang talunin ang rebelyon sa hinaharap.

Gayunman, sa mga sumunod na ‘sequel’ gumanap na bilang isang kakampi na ‘Terminator’ si Schwarzenegger upang tulungan na makaligtas sa ilan pang mga bago at modernong ‘Terminator’ ang bida.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.