NDFP, kinastigo sina Lorenzana at iba pa

By Jay Dones May 21, 2017 - 04:07 PM

 

NDFP-spokesman-Fidel-Agcaoili-and-Fr.-Joel-Tabora--620x465Isang uri ng pagpapakita ng kitid ng pag-iisip o ‘narrow thinking’ ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang kapayapaang matatamasa kung patuloy na maglulunsad ng mga opensiba ang New People’s Army.

Ayon kay Fidel Agcaoili Peace panel chairperson ng National Democratic Front of the Philippines, hindi ang NPA kung hindi ang militar ang nangunguna sa opensiba laban sa mga rebelde sa ilalim ng Oplan Kapayapaan.

Wala aniya itong pinagbago isa iba pang counter-insurgency programs ng iba pang mga nakaraang rehimen.

Binatikos rin ni Agcaoili ang aniya’y hindi pakikiisa nina Lorenzana at iba pang mga opisyal na nasa loob ng military establishment.

Malinaw aniyang hindi kapayapaan ang hinahanap ng mga ito sa pamamagitan ng pulitikal na paraan kung hindi ang pagsuko ng lahat ng mga rebolusyonaryo nang walang repormang ipinatutupad.

Nanawagan rin si Agcaoili kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipairal ang kanyang civilian authority sa militar upang tuluyang maabot na ang isang political solution sa pagitan ng kanyang administrasyon at mga puwersang rebolusyonaryo tungo sa kapayapaan sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.