Paolo Ballesteros, nagbakasyon sa isang isla sa Mindoro kasama ang rumored partner

By Mariel Cruz May 21, 2017 - 09:58 AM

SHOWBIZ PAOLONagbakasyon ang Kapuso actor na si Paolo Ballesteros kasama ang kanyang rumored partner sa isang beach sa Mindoro.

Sa kanyang Instagram account, nagpost si Paolo ang dalawang larawan nila ng kanyang partner kung saan sa una ay makikita na magkatabing nakaupo ang dalawa.

Sa pangalawang larawan, bagaman nakatalikod, makikita na nakapatong ang kamay ng isa sa balikat ni Paolo habang naglalakad.

Pero hindi pinangalanan ni Paolo ang naturang lalaki at maging ang mukha nito ay hindi ipinakita.

Marami sa mga netizens ang naghinala na posibleng ang kasama ni Paolo ay ang rumored boyfriend na isa sa mga dancer ng G-Force na si Ronald Ochoa Anog.

Matatandaang kamakailan ay ikinagulat ng publiko ang pagpopost ni Paolo ng isang larawan sa social media kung saan makikita na nakapatong ang kamay nito sa kamay ng isang lalaki.

Marami na ang kumukwestyon sa kasarian ni Paolo pero patuloy lang na ipinagkikibit balikat ito ng aktor.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.