100 bahay nasunog sa Quezon City

June 03, 2015 - 04:11 AM

sunog edited
Photo contributed by Jacob Ballos

Tinupok ng apoy ang isang daang bahay sa Barangay Old Balara sa Quezon City, Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Quezon City Fire Marshal Jesus Fernandez, alas 8:41 ng umaga nang magsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng bagay na pagmamay-ari ng isang Imelda Canalda sa #90 Zuzuarregui Street.

Alas 8:52 ng umaga nang itaas sa ikatlong alarma ang sunog at dahil mabilis kumalt ang apoy, itinaas ito sa Task Force Bravo ganap na alas 9:31 ng umaga.

Sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Quezon City, aabot sa tatlong daang pamilya ang nawalan ng tahanan.

Limang katao naman ang nasugatan kabilang ang isang bumbero.

Sa pagtataya ni Supt. Fernandez aabot sa P1.5 milyon ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy./Jong Manlapaz

TAGS: fire, quezon city, fire, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.