10 bandido patay sa barilan sa Sultan Kudarat

Posted in: Featured, Latest News, National, Provincial

10 bandido patay sa barilan sa Sultan Kudarat

By:

AFP FieldSampung mga pinaniniwalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang napatay samantalang walo naman ang sugatan sa bakbakan na naganap sa bayan ng Isulan sa Sulatan Kudarat.

Sa ulat ni 33rd Infantry Batallion Commander Lt. Col. Harold Cabunoc, nagpapatrulya umano ang kanyang mga tauhan sa Barangay Bual sa bayan ng Isulan ng bigla silang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan.

Kaagad na gumanti ng putok ang mga sundalo na nagresulta sa kamatayan ng sampung suspek at pagkasugat ng walong iba pa sa kanilang mga kasamahan.

Arestado rin ang sinasabing isa sa mga lider ng grupo na si Abdul Magid Logioman alyas Black Moro.

Isang miyembro naman ng Division Recon Company ang sugatan na kinilalang si Sgt. David Desiderio.

Bago ang naganap na barilan ay nakatanggang ng tip ang grupo ni Cabunoc kaugnay sa pag-iikot ng ilang mga armadong kalalakihan sa Barangay Bual.

Leave a comment