P17.5M na halaga ng shabu, narekober sa isang mall sa Taguig

Posted in: Featured, Latest News, Metro

P17.5M na halaga ng shabu, narekober sa isang mall sa Taguig

By:

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Narekober ng pinagsanib na pwersa ng PNP Drug Enforcement Group at Taguig City Police ang tatlo at kalahating kilo ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong kotse sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Ayon kay Police Supt. Reynaldo Ramos, hepe ng Special Operations Unit ng PNP Drug Enforcement Group, kahapon pa nila binabantayan ang Mitsubishi Lancer na may plakang UAP 625.

Ala-una kwarenta’y dos kahapon nang mag-park ang sasakyan sa open parking space ng Market! Market! Mall.

Inikutan ng K-9 unit ang paligid ng sasakyan at matapos ang ilang minuto ay inupuan ito dahilan para inspeksyunin ng mga otoridad.

Hindi rin umano naka-lock ang isang pintuan ng sasakyan, kaya mabilis itong na-usisa ng mga pulis.

Tumambad sa kanila ang apat na malalaking bulto ng hinihinalang shabu na nakasilid sa mga kulay puting kahon.

Ayon kay Ramos, hindi bababa sa P17.5 million ang street value ng narekober na iligal na droga.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga otoridad upang matukoy kung sino ang driver ng inabandonang sasakyan.

Leave a comment