Mga isyu sa South China Sea, pinag-usapan sa bilateral talks ng China at Pilipinas

By Kabie Aenlle May 20, 2017 - 04:47 AM

South-China-Sea_Inte-AP-0407-1024x557Sa unang araw ng kanilang bilateral talks, ibinahagi ng mga kinatawan ng Pilipinas at China ang kanilang mga karanasan sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Pinangunahan ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana ang delegasyon ng Pilipinas, habang si Chinese Vice minister for Foreign Affairs Liu Zhenmin naman sa China.

Inilarawan ng magkabilang kampo ang kanilang Bilateral Consultative Meeting sa Guizhou bilang “frank, in-depth and friendly.”

Sa kanilang joint statement, sinabi nila na muling ipinahayag ng pagkabilang partido ang kanilang kagustuhan na makahanap ng paraan upang mas mapatatag ang “trust and confidence” sa isa’t isa.

Nagpalitan anila sila ng mga pananaw sa iba’t ibang mga isyu ng Pilipinas at China na may kaugnayan sa South China Sea.

Nagkasundo rin sila na pag-uusapan pa ito nang mas masinsinan, upang malaman kung ano ang mga bagay na maari nilang gawin upang maresolbahan ang mga ito.

Bukod dito, napag-usapan din ang “next-step practical maritime cooperation” ng dalawang bansa at ang posibilidad ng pagtatayo ng mga rechincal working groups.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.