Sharapova, bigong makapasok sa French Open wild card entry

By Jay Dones May 17, 2017 - 04:24 AM

 

sharapovaBigo ang nagbabalik na tennis superstar na si Maria Sharapova na makapasok bilang wildcard entry sa French Open Tennis.

Sa naturang Grand Slam event magbabalik sana si Sharapova matapos patawan ng 15-month doping ban.

Dismayado ang tennis superstar dahil sa pagkabigong makapasok sa tournament.

Umaasa sana si Sharapova na ikukunsidera ng French Tennis Federation (FFT) na siya ay payagang makapasok bilang wildcard entry sa French Open ngunit ikinabigla nito nang hindi mapasama ang kanyang pangalan sa listahan.

Taong 2012 at 2014 nang magwagi bilang champion sa French Open si Sharapova.
March 2016 nang patawan ng 2-year ban sa paglalaro ng professional tennis si Sharapova matapos magpositibo sa paggamit ng gamot na meldonium na ipinagbabawal sa mga manlalaro.

Gayunman, ibinaba ito sa 15 buwan kaya’t nagawa nitong makalaro nitong April 26 sa Stuttgart Open.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.