Filmmakers, namamahalan sa entry fee ng MMFF

By Kabie Aenlle May 16, 2017 - 04:16 AM

 

Nora-Aunor1 mmffBukod sa mga netizens, nag-react din ang ilang filmmakers tungkol sa kamahalan umano ng entry fee na sinisingil ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon kay Chuck Gutierrez na producer ng MMFF 2016 best picture na “Sunday Beauty Queen,” nasa sampung beses pa itong mas mahal kumpara sa sinisingil sa mga prestihiyosong film festivals tulad ng Cannes, Tribeca at Berlin.

Sa abiso kasi ng MMFF, P30,000 ang entry fee para sa mga script habang P50,000 naman para sa mga completed movies.

Ayon naman sa isa pang filmmaker na si JP Habac, sapat na ang mga halagang ito para makabuo ng isang short film.

Gayunman, dumepensa ang executive member ng MMFF na si Noel Ferrer na pareho lang naman ang singil nila ngayon, sa singil nila noon.

Paliwanag pa ni Ferrer, hindi tulad ng mga nabanggit na film fest, garantisado ang commercial run ng mga mapipili sa MMFF at maaring kumita ang mga producers.

Dagdag pa ni Ferrer, mapupunta naman sa beneficiaries ang kikitain ng MMFF.

Sa taong ito, apat ang pipiliin na script at apat din ang pipiliin sa mga completed movies para mabuo ang eight-movie roster.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.