Mahabang linya sa MRT, mawawala na sa Disyembre

By Jay Dones May 16, 2017 - 04:22 AM

 

MRTHindi na pipila pa ang mga mananakay ng MRT-3 pagsapit ng buwan ng Disyembre.

Ito ang deklarasyon ng opisyal ng MRT-3 sa kasagsagan ng Senate inquiry ng committee on public services na pinangunahan ni Sen. Grace Poe.

Ayon kay MRT-3 Operations Director Deo Manalo, pagsapit ng Disyembre, maari nang makapagsakay ng mas maraming pasahero ang MRT sa oras na matapos ang power upgrade nito.

Sa kasalukuyan aniya, nagagawa lamang makapag-operate ng hanggang 20 tren ang MRT ngunit sa oras na matapos ang pagsasaayos ng power system ay maaari na itong madagdagan.

Sa Nobyembre aniya nakatakdang matapos ang upgrade, kaya’t maari na nilang patakbuhin ang iba pang tren sa Disyembre.

Sa oras na madagdagan na ang tumatakbong tren, ay inaasahang aabot na sa 700,000 pasahero ang kanilang maseserbisyuhan araw-araw mula sa kasalukuyang 600,000.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.