Megastar Sharon Cuneta, ibinunyag na ang dahilan ng kanyang pag-alis sa bansa

By Jay Dones May 15, 2017 - 05:02 AM

 

sharonMakalipas ang halos isang linggong pagpo-post ng mga matalinhagang pahayag sa social media, isiniwalat na rin ni Megastar Sharon Cuneta  sa wakas ang dahilan ng kanyang pamumrublema at biglaang pag-alis sa bansa.

Sa kanyang Facebook post, unang itinanggi ng Megastar na ‘third party’ ang dahilan ng kanyang biglaang paglipad tungong Amerika.

Mariing kinondena rin ni Sharon ang nagpapakalat ng larawan ni Sen. Kiko Pangilinan at Sena Risa Hontiveros na mistulang magka-holding hands.

Paliwanag ng Megastar, ang matinding problema sa mga utang, pagkakasakit ng kanyang tiyahin at pagpanaw ng ilan niyang mahal sa buhay ang dahilan ng kanyang pag-alis ng bansa.

Masyado na siya aniyang maraming pagkakautang sa ilang mga investments kaya’t siya na aniya ang isa sa mga pinakamahirap na bilyonaryo sa ngayon.

Himutok pa nito, kinailangan niyang umalis ng bansa upang mapag-isa at makapagpahinga.

Idinaing rin ng 51-anyos na aktres at singer ang mistulang paggamit sa kanya ng ilang tao na nasa kanyang paligid.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.