Reporter ng GMA News, nadale ng basag-kotse gang

May 14, 2017 - 03:03 PM

 

GMA News Reporter Steve Dailisan
GMA News Reporter Steve Dailisan

Ang tagapagbalita, ngayon ay naging laman mismo ng balita.

Nabiktima ng basag-kotse gang ang reporter ng GMA News na si Steve Dailisan.

Batay sa Quezon City Police District, naganap ang krimen Sabado ng gabi nang bumista si Dailisan sa inang nasa ospital.

Nakaparada lamang ang itim na Mitsubishi Montero ni Dailisan sa tapat ng Dr. Jesus Delgado Memorial Hospital sa Kamuning, Quezon City.

Nabatid na hindi bababa sa dalawang lalaki ang suspek na bumasag sa salamin ng kanang bintana ng sasakyan ng biktima.

Tinatayang nasa dalawang daang libong piso ang halaga ng mga nanakaw ng mga suspek, gaya ng laptop at gadgets.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng QCPD upang matunton at mahuli ang mga salarin.

 

TAGS: Steve Dailisan, Steve Dailisan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.