Tricycle driver pinagbabaril sa Tondo, Maynila, patay

By Cyrille Cupino May 14, 2017 - 09:02 AM

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa riles ng tren sa Hermosa St., Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Michael Turla, 40 anyos, isang tricycle driver.

Ayon sa isang residente, nakarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril dahilan para magtago siya sa sobrang takot.

Hindi na umano niya nakita kung sino ang bumaril sa biktima.

Sinasabing dati na ring nakulong ang biktima pero hindi pa batid kung may kinalaman ito sa droga.

Anim na basyo ng bala mula sa caliber .38 at caliber 45 ang nakita sa crime scene at lima naman ang tama ng bala sa katawan ng biktima.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Manila Police District Homicide Division upang malaman kung ano ang motibo at kung sino ang nasa likod ng nasabing pamamaril.

TAGS: Maynila, Pamamaril, Shooting Incident, Tondo, Maynila, Pamamaril, Shooting Incident, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.