WATCH: 2 patay sa buy bust operation ng QCPD

By Jong Manlapaz May 13, 2017 - 09:31 AM

Kuha ni Jun Corona
Kuha ni Jun Corona

Patay ang dalawang hinihinalang tulak ng bawal na gamot sa ginawang buy bust operation ng Quezon City Police District – District Drug Enforcement Unit (QCPD-DDEU) sa Celina Drive cor. Quirino Highway, Novaliches, Quezon City kagabi.

Target ng operation si Gary Sampaga na kalalaya lamang umano para sa kasong pagtutulak ng bawal na gamot na napatay sa operasyon habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng kasama nito.

Ayon kay QCPD-DDEU Chief PCI Ferdinand Mendoza, nakatunog umano si Sampaga na pulis ang katransaksyon nito kaya nagpaputok ito ng baril.

Gumanti naman putok ang mga pulis laban sa mga suspek na sakay ng motorsiklo na agad ikinamatay ng dalawa.

Nakuha sa crime scene ang isang .38 caliber at shotgun, mga bala at basyo ng baril at mahigit 50 gramo na hinihinalang shabu.

TAGS: buy bust operation, drugs, Novaliches, QCPD, buy bust operation, drugs, Novaliches, QCPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.