1 patay, 4 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Tondo, Maynila

By Cyrille Cupino May 13, 2017 - 07:07 AM

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang tricycle driver at apat ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa kanto ng Solis St. at Jose Abad Santos Avenue, Barangay 103, Tondo, Maynila.

Unang binangga ng isang SUV na Suzuki Vitara na minamaneho ni Leon Suanco ang isang tricycle matapos umano siyang mawalan ng preno.

Matapos ang unang pagbangga, umatras pa ang sasakyan ni Suanco at binangga pa ang isang tricycle na nasa likuran nito.

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Kinilala ang nasawing driver na si Roy Gomez na dinala pa sa Ospital ng Tondo pero binawian rin ng buhay dahil sa matinding tama sa ulo.

Dinala naman ang apat na sugatan kabilang ang isang bata sa Chinese General Hospital at Jose Reyes Medical Center.

Posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple physical injuries ang driver ng SUV.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Manila Traffic and Parking Bureau sa nasabing aksidente.

 

TAGS: aksidente, Maynila, suv, Tondo, Tricycle, aksidente, Maynila, suv, Tondo, Tricycle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.