‘American Idol’, muling mapapanood sa ABC TV sa 2018

By Mariel Cruz May 10, 2017 - 10:58 AM

AMERICAN IDOL
American Idol logo

Magbabalik sa television screen ang pinakasikat na music reality show US na ‘American Idol’ sa 2018.

Ito ang masayang inanunsiyo ng ABC TV host na si Robin Roberts sa kanyang programa na “Good Morning America”.

Sa ‘American Idol’ nagsimulang sumikat ang hollywood singers na sina Kelly Clarkson, Adam Lambert at Jennifer Hudson.

Naging kakumpetensiya ng American Idol ang iba pang music reality show tulad ng “The Voice” ng NBC, “Rock Star” ng CBS at “The X Factor” ng Fox Channel.

Kasunod ng naturang anunsiyo, naging top trending topic ang American Idol sa Twitter, kung saan maraming netizens ang nagpahayag ng magkakaibang reaksyon.

Sa ngayon, walang pang inilalabas na iba pang detalye ang ABC ukol sa comeback ng reality show tulad ng kung sino ang magiging host at mga hurado.

Matatandaang noong nakaraang taon, kinansela ng Fox Television ang TV show matapos ang 15 seasons nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.