Magkalaguyo, patay sa pananaksak sa Brgy. Commonwealth, Quezon City

By Jong Manlapaz May 10, 2017 - 09:00 AM

Crime of passion
Kuha ni Jong Manlapaz

Walang bahid na pagsisi ang makikita sa mukha ni Bernardo Tolitol, 58-anyos, matapos niyang saksakin ng gunting hanggang sa mapatay ang kanyang live-in partner at kalaguyo nito sa loob ng kanilang bahay sa MRB Bldg. Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Aminado si Tolitol na umiral sa kanya ang matinding galit nang masilip niya sa bintana na nakikipagtalik sa ibang lalaki ang kinakasamang si Marilou Bulat-ag, 41-anyos.

Ayon kay Tolitol, nagduda na siya nang matagal bago bumukas ang ilaw sa kabila nang makailang beses itong kumakatok ng malalakas bukod pa sa tawag sa telepono.

Pagtatanggol pa ni Tolitol, kasabay ng pagbubukas ng pintuan bigla na lamang niya umanong sinuntok sa mukha ang sinasabing kalaguyo na si Junie Gulas Jr hanggang sa makakuha ito ng gunting at pagsasaksakin ng makailang beses ang dalawa.

Napag-alaman na pitong buwang umuwi ng Samar si Tolitol para magsaka at walang kaalam-alam na mayroon nang ibang lalaki ang kanyang live-in partner.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.