Duterte ipinagtanggol ng Malacañang sa “lobby money” statement

By Chona Yu May 09, 2017 - 04:17 PM

Abella3
Inquirer file photo

Nilinaw ng Malacañang na hindi pera ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na lobby money umano ang gumana kung kaya hindi nakalusot sa Commission on Appointments si Environment Sec. Gina Lopez.

Ayon kay Presidenial Spokesman Ernesto Abella, ginawa ng pangulo ang paglilinaw sa 15th cabinet meeting kahapon sa Malacañang.

Sinabi ni Abella na sa naturang meeting ay sinabi ng pangulo na “lobby” lamang umano ang kanyang sinabi at hindi naman awtomatiko na nangangahulugan ng pera o pinansyal na pabor.

Matatandaang noong Huwebes ay sinabi ng pangulo sa isang event sa Davao City na “lobby money talks” ang naghari  sa kaso ni Lopez at pinanghihinayangan niya na hindi nakalusot sa C.A ang dating kalihim.

TAGS: abella, DENR, duterte, gina lopez, lobby money, abella, DENR, duterte, gina lopez, lobby money

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.