15-anyos na binatilyo patay sa sunog sa Tondo

By Alvin Barcelona May 09, 2017 - 03:42 PM

Tondo Fire1
Inquirer file photo

Isa ang patay habang 30 kabahayan ang natupok sa sunog na sumiklab sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila kaninang tanghali.

Kinilala ni Chief Inspector Marvin Carbonel, hepe ng operations division ng Manila Fire District ang halos hindi na makilalang bangkay ng biktima na si Froilan Dela Cruz, kinse anyos.

Dagdag ni Carbonel, ang sunog ay naka-apekto din sa mahigit na 70 pamilya at tinatayang nakapinsala ng mahigit P200,000 halaga ng mga ari-arian.

Ang sunog na sinasabing dulot ng nag-leak na tangke ng LPG ay nabatid na nagsimula sa bahay na pag-aari ng isang Annie Dela Cruz sa No. 54 purok 1 Bungad Isla Puting bato 11:08 ng umaga at umabot ng ikalimang alarma.

TAGS: isla puting bato, manila fire department, sunog, isla puting bato, manila fire department, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.