BIFF sub-leader, patay sa engkwentro sa Maguindanao

By Kabie Aenlle May 09, 2017 - 04:48 AM

biff2
FILE PHOTO

Isang sub-leader ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasawi, habang sugatan naman ang apat na iba pa niyang kasamahan sa sunud-sunod na pakikipaglaban sa mga sundalo sa Maguindanao.

Pitong sundalo rin ang nagtamo ng pinsala sa mga engkwentrong naganap sa mga Barangay ng Tee at Dapiawan sa bayan ng Datu Salibo.

Ayon kay Capt. Arvin John Encinas na tagapagsalita ng 6th Infantry Division, ang nasawi ay si Commander Khalid na pamangkin ng BIFF leader na si Ismael Abubakar.

Ang grupo ni Abubakar ang namamahala sa operasyon sa mga bayan sa Shariff Aguak, Datu Saudi Ampatuan, Datu Salibo at Mamasapano sa Maguindanao.

Sa ngayon ay nasa ligtas na kalagayan naman na ang mga sundalong nasaktan habang nasa ospital at nilalapatan ng lunas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.