Mga colorum na bus, hindi papayagang lumipat sa bagong southwest terminal

By Kabie Aenlle May 08, 2017 - 04:09 AM

 

bus-hub-ParañaqueTitiyakin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na walang mga colorum na bus ang makakalusot at makakalipat sa bagong southwest terminal sa Pasay City.

Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng Bus Management and Dispatch System (BMDS), na isang database para mabantayan ang bilang ng mga pampasaherong bus na bumibyahe sa mga kalsada.

Taglay din nito ang mga impormasyon tungkol sa mga rehistradong drivers pati na ang mga traffic violations na hindi pa nila nababayaran ang multa.

Ayon kay MMDA supervising officer for operations Bong Nebrija, bago makalipat ang mga bus, inii-stencil nila ang chassis at engine number upang makatiyak na rehistrado ito at hndi colorum.

Hindi rin aniya papayagang bumiyahe ang mga driver na may mga multa na hindi pa nababayaran.

Sa ngayon, nasa 200 bus na ang nakalipat mula sa lumang terminal sa Coastal Mall sa Parañaque City, patungo sa bagong terminal sa HK Sun Plaza sa Diosdado Macapaal Blvd. sa Pasay City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.