4 na sundalo, 2 ASG members, patay sa engkwentro sa Basilan

May 07, 2017 - 01:43 PM

Sumisip-BasilanApat na sundalo ang nasawi sa engkwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Abu Sayyaf Group o ASG sa Sumisip, Basilan Sabado ng gabi. (May 06).

Ayon sa Western Mindanao Command o WestMinCom, dalawang miyembro ng ASG ang namatay din sa bakbakan.

Batay naman kay Basilan Governor Jim Salimman, naganap ang sagupaan sa isa sa mga checkpoint ng mga sundalo.

Naglagay aniya ng mga checkpoint ang militar sa iba’t ibang lugar sa Sumisip, lalo na sa mga lugar na natukoy na exit points ng mga miyembro ng bandidong grupo.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang Armed Forces of the Philippines at hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlan ng mga sundalong namatay.

 

TAGS: Basilan clash, Basilan clash

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.