PNP, maghahanap ng altenatibong mapagkukunan ng suplay ng armas

By Angellic Jordan May 07, 2017 - 01:14 PM SHARE(S):

 

Bato rifleTututok ang Philippine National Police o PNP sa paghahanap ng alternatibong mapagkukunan ng suplay ng armas oras na tuluyang higpitan ng Estados Unidos ang pag-export nito sa bansa.

Ayon kay PNP chief Director General Ronald dela Rosa, nag-aalok magbenta ng ilang armas ang China at Russia sa bansa.

Dagdag pa nito, nangako si Russian President Vladimir Putin kay Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ng armas na kakailanganin ng mga pulis.

Maghahanap din aniya ng paraan ang PNP kung paano makukuha ang nabanggit na armas.

Samantala, dalawag mambabatas sa Amerika ang naghain ng panukalang batas na pagbabawal ng pag-export ng armas sa Pilipinas dahil sa anila’y paglabag sa karapatang pantao.

Ayon kina Senators Ben Cardin at Marco Rubin, nakakaalarma ang bilang ng mga namamatay sa ilalim ng kampanya ng pangulo kontra ilegal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.