Pamilya ng isang nasawi sa pagsabog sa Quiapo, sumugod sa blast site

By Cyrille Cupino May 07, 2017 - 09:09 AM

 

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Sumugod sa blast site ang pamilya ng isa sa mga nasawi sa pagsabog sa Quiapo, Maynila.

Dumating ang anak at mga kaanak ng biktima na si Hajji Mohammad Munsing upang i-uwi na ang katawan nito.

Madaling araw pa dumating ang pamilya, pero hindi pa rin nila makuha ang labi ng kanilang namatay na mahal sa buhay.

Inire-reklamo ng pamilya ang matagal na pagproseso sa bangkay ng kanilang kaanak, dahil sa tradisyon sa Islam, na kailangang mailibing kaagad sa loob ng 24 oras ang isang Muslim.

Mahigit 14 oras na nang mamatay si Munsing, at sinikatan na ito ng araw pero hanggang sa ngayon, nasa crime scene pa rin ang katawan nito, at ng isa pang hindi nakikilalang biktima.

Si Munsing ay isa umanong may-ari ng restaurant dito sa area, at nandoon lamang sa Islamic Center dahil sa miyembro siya ng nasabing grupo.

Samantala, dalawa katao ang naitalang patay sa nangyaring dalawang pagsabog sa Quiapo kagabi.

 

TAGS: Quiapo blast, Quiapo blast

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.