Container na may lamang langis, nahulog sa trailer truck

June 03, 2015 - 03:18 AM SHARE(S):
FullSizeRender (2)
Kuha ni Ruel Perez
FullSizeRender (6)
Kuha ni Ruel Perez
FullSizeRender (5)
Kuha ni Ruel Perez
FullSizeRender
Kuha ni Ruel Perez

Kumalat sa kalsada ang kahon-kahong mga langis na ginagamit sa makina ng mga sasakyan, matapos humiwalay sa trailer truck ang dalawang 20-footer container van sa FTI sa Taguig City. Ang dalawang container van ay nakasakay sa isang 22 wheeler na trailer truck pero kumalas ito sa truck dahilan para kumalat sa kalsada ang mga laman nitong langis.

Ilan sa mga lalagyan ng langis ang nabuksan kaya tumapon ito sa kalsada sa bahagi ng FTI papasok ng Arka South na isang pribadong kumpanya. Didiretso sana ng East Service Road ang truck pero nagkamali ito ng kabig pakaliwa. Ayon sa pahinante ng truck na si Kevin Arnaiz, tumakas ang kasama niyang driver na si Army Loquinario. / Ruel Perez

TAGS: container, FTI, oil, container, FTI, oil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.