Coach Gurayeb, kakalas na sa NU Lady bulldogs volleyball team

By Jay Dones May 05, 2017 - 04:23 AM

 

gurayebKinumpirma na ni Coach Roger Gurayeb na hindi na ito babalik pa bilang pinuno ng National University Lady Bulldogs volleyball team.

Sa pahayag ni Gurayeb matapos ang panalo ng kanyang Bali Pure laban sa Pocari Sweat sa Premier Volleyball League, sinabi nito na maging ang kanyang buong coaching staff ay aalis na rin sa NU.

Sinabi ni Gurayeb na dahilan ng kanyang pag-alis bilang coach sa ladies volleyball team ng NU ay ang pagtatangka umano ng NU Lady Bullpups’ coach na si Raymond ‘Babes’ Castillo na sulutin ang kanyang puwesto.

Itinanggi naman ni Castillo ang alegasyon ni Gurayeb.

Bukod kay Gurayeb at buong coaching staff, kakalas na rin sa NU ang management group na humahawak sa Lady Bulldogs.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.