Katarina Rodriguez, itinanggi ang pagsuko sa Bb. Pilipinas-Intercontinental crown

By Kabie Aenlle May 03, 2017 - 04:22 AM

 

katarina rodqriguezMariing itinanggi ng bagong Binibining Pilipinas-Intercontinental na si Katarina Sonja Rodriguez ang mga ulat na hindi niya tinatanggap ang kaniyang korona.

Lumabas kasi sa mga ulat ang isang pahayag umano ng Binibining Pilipinas Charities Inc. na nagsabi si Rodriguez na posibleng hindi niya tanggapin ang korona.

Ayon pa sa nasabing pahayag, hinihintay na lamang nila ang pormal na liham mula sa panig ni Rodriguez trungkol dito.

Gayunman, taliwas ito sa ibinahagi ng beauty queen sa kaniyang social media accounts.

Ayon kay Rodriguez, kailanman ay wala siyang inanunsyo na hindi niya tatanggapin ang korona, kasabay ng pakiusap sa mga tao na huwag agad bumuo ng haka-haka.

Dagdag pa ng beauty queen, dalawang araw pa lang ang nakalilipas mula nang mapanalunan niya ang korona mula sa beauty pageant na talaga namang na-enjoy niya.

Pagkatapos aniya ng pageant, bukod sa pagbawi ng tulog, ang oras niya ay nakalaan sa pakikipag-usap sa kaniyang mga kaanak at mga kaibigan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.