Kill plot laban kay Atong Ang itinanggi ng NBI

By Jan Ecosio May 02, 2017 - 08:26 PM

nbi-building-1
Inquirer file photo

Mariing itinanggi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran ang mga alegasyon ni gambling operator Charlie “Atong” Ang.

Pagdidiin ni Gierran, walang basehan at produkto lang ng imahinasyon ang mga pahayag ni Ang na may planong patayin siya at sangkot dito ang ilang ahente ng NBI.

Paniwala pa ng opisyal na ang mga gawa-gawang kuwento ni Ang ay maaring may kaugnayan sa mga anti-illegal gambling operations nila sa Cagayan region.

Aniya ang mga tinarget nila ay ang ilegal na sugal na ikinakabit sa jai-alai operations ng kumpanya ni Ang base sa hiling ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Binanggit pa ni Gierran na sa operasyon nila noong nakaraang Abril 19 sa Ilagan City, isabela ay inaresto nila ang 40 tauhan ni Ang.

TAGS: Atong Ang, guerran, NBI, Atong Ang, guerran, NBI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.