Libu-libong miyembro ng Kadamay at KMU, nagpalipas ng gabi sa Agham Road sa QC

By Cyrille Cupino April 30, 2017 - 02:43 AM

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Inokupa ng libu-libong miyembro ng Kadamay at Kilusang Mayo Uno ang gilid ng Agham Road. sa Brgy. Pagasa, Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District Station 2 Commander Police Supt. Igmedio Bernaldez, aabot sa dalawang libong indibidwal ang kasali sa naturang pagkilos.

Dahil dito, isinara pansamantala ang southbound lane ng Agham Road., mula sa Quezon Avenue hanggang North Avenue.

Kanya-kanyang dala ng banig at tent ang mga miyembro na sa gilid ng kalsada nagpalipas ng gabi, bitbit pa kanilang mga anak.

Karamihan sa mga sumali ay nahikayat umano ng Kadamay na maging miyembro para mabigyan rin ng libreng
pabahay ng gubyerno.

Kabilang rin umano sila sa mga nag-sumite ng application sa National Housing Authority noong nakaraang taon,
pero hindi nabigyan ng bahay ng gobyerno.

Alas-otso ng umaga mamaya nakatakdang umalis ang mga miyembro ng KADAMAY at KMU para mag-martsa
patungo sa opisina ng NHA bago ang Labor Day sa Lunes, Mayo a-uno.

TAGS: Agham Road, Kadamay, Kilusang Mayo Uno, Labor Day, NHA, Agham Road, Kadamay, Kilusang Mayo Uno, Labor Day, NHA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.