Lalaki, patay matapos masagasaan ng tren sa Maynila

By Rod Lagusad April 30, 2017 - 02:08 AM

PNRPatay ang isang lalaki matapos masagasaan at makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Ma. Clara crossing sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Marvic Dela Cruz, 34 taong gulang, isang beautician at dating nakatira sa lugar ngunit ngayon ay residente na sa Bulacan.

Halos hindi na makilala ng pamilya ng biktima ito dahil sa tinamong pinasala nito sa buong katawan.

Ayon naman sa ulat ng PNR ay sinubukan ng driver ng tren na mag-emergancy brake ngunit nasagasaan pa rin ang
biktima.

Kaugnay nito, hindi na nagpaunlak ang pamilya ng biktima at kinuha na ng purenarya ang labi nito.

TAGS: Maynila, Philippine National Railways, PNR, Sampaloc, Maynila, Philippine National Railways, PNR, Sampaloc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.