Hepe ng MPD Station 1, sinibak na sa puwesto

By Erwin Aguilon April 28, 2017 - 11:46 AM

MPD STATION 1
Kuha ni Erwin Aguilon

Sinibak na sa puwesto ang hepe ng Station 1 ng Manila Police District na si Supt. Robert Domingo kasunod ng natuklasang secret detention cell.

Ayon kay MPD District Director C/Supt. Joel Coronel, pansamantalang papalit kay Domingo ang kanyang deputy na si Chief Inspector Gilbert Cruz.

Ililipat naman ang sinibak na si domingo sa Regional Personel and Holding Unit ng National Capital Region Police Office.

Ang pagsibak ay isinagawa upang hindi maimpluwensyahan ang ginagawang imbestigasyon ng Internal Affairs Service ng PNP, PNP CIDG at Commission on Human Rights.

Kahapon, natuklasan ng CHR ang secret detention cell sa MPD Station 1 at may nakakulong na 3 babae at 9 na lalaki na pawang inaresto dahil sa droga.

Samantala, welcome para kay Domingo ang isasagawang imbestigasyon sa kanya kaugnay sa natuklasang secret jail.

Ayon kay Domingo, tama lamang ang imbestigasyon upang lumabas na tama lamang ang kanyang ginawa.

Sinabi ni Domingo na mas mabuti na maglabas sila ng mga ebidensya upang hindi sa media magpaliwanagan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.