Bagyong Dante, nasa labas na ng PAR

By Mariel Cruz April 28, 2017 - 11:19 AM

dante3Ibinaba na ng PAGASA sa Tropical Depression ang bagyong Dante na ngayon ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsiblity.

Ayon sa pinakalatest weather bulletin ng PAGASA, huling namtaan ang bagyo sa 1,450 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugso na 60 kph.

Inaasahang tatahakin nito ang direksyong northeast sa bilis na 20 kilometers per hour.

Sinabi ng PAGASA na tinatayang nasa 1,730 kilometers east ng Appari, Cagayan ang Tropical Depression mamayang gabi.

Samantala, iiral ang maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat-pagkulog sa lalawigan ng Batanes at sa mga isla ng Calayan at Babuyan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Kamaynilaan at sa nalalabing bahagi ng bansa lalo na sa hapon o gabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.