Lalaking nambugbog ng GRO sa Pasay, patay matapos manlaban sa pulis

By Cyrille Cupino April 28, 2017 - 06:02 AM

crime-scene-300x200Napatay ng mga rumespondeng pulis ang isang lalaking nambugbog sa isang GRO sa isang motel sa Pasay City.

Kinilala ang napatay na si alyas ‘Mark’, na batay sa sumbong ng biktimang si Jenny Opril ay sumuntok sa kanya at nanaksak nang dalawang beses sa kanyang likuran.

Kahit pa nasugatan, nagawa pang makahingi ng tulong ng biktima sa kapwa GRO na nasa kalapit lamang na kwarto.

Tumakbo naman palabas ng motel ang babae saka humingi ng tulong sa mga rumurondang pulis na si PO2 Jay Ar Orada ng Pasay Police.

Nanlaban ang suspek at nasaksak pa sa tiyan si Orada dahilan para paputukan ito, at mapatay.

Nang kapkapan ng SOCO ang suspek, nakuha pa sa bulsa nito ang mga drug paraphernalia.

Dinala sa San Juan De Dios Hospital ang sugatang GRO at pulis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.