Lalaking armado ng patalim, inaresto malapit sa opisina ni British PM May

By Kabie Aenlle April 28, 2017 - 05:19 AM

(AFP Photo/Niklas Halle'n)
(AFP Photo/Niklas Halle’n)

Inaresto ng British police ang isang lalaking may bitbit na mga kutsilyo malapit sa opisina ni Prime Minister Theresa May sa London.

Ikinulong ng mga counter-terrorism officers ang suspek na 27 taong gulang na lalaki na naaresto sa Parliament Street.

Ayon sa isang Western security source, ang nasabing lalaki na mula sa London ay minamatyagan na ng mga counter-terrorism officers at ng MI5 bago pa man ito maaresto.

Dalawang oras matapos ang pag-aresto sa lalaki, muling binuksan ng mga pulis ang mga kalsada sa Westminster.

Ang Parliament Street ay malapit lamang sa Downing Street kung saan naroon ang opisina ni May.

Matatandaang noong nakaraang buwan lang ay sinagasaan ng isang sasakyan ang mga pedestrian malapit sa Westminster Bridge, kung saan apat ang nasawi, bago ang pananaksak sa isang pulis sa parliament.

Dahil dito, mas pinahigpit na ang seguridad sa lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.