2 miyembro ng ASG, sumuko sa pamahalaaan

By Kabie Aenlle April 28, 2017 - 05:13 AM

Abu-Sayyaf-1-radyo-inquirerAlang-alang sa kapayapaan, lumitaw kamakailan lang ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group upang kusang isuko ang kanilang mga sarili sa kinauukulan.

Nakilala ang mga bandidong sina Husain Nasirin, 22-anyos, mula sa Brgy. Buhanginan, at Hasir Asara na 25-taong gulang na, at mula sa Brgy. Danag.

Sina Nasirin at Asara ay pawang mga miyembro ng grupo ni Abu Sayyaf sub-leader na si Hairulla Asbang sa Patikul, Sulu.

Sumuko ang dalawang Abu Sayyaf members sa pamunuan ng 501st Brigade, habang nakatuwang naman sa tulong ang 11 Military Intelligence Company.

Isinuko rin ng dalawa ang isabng M16 rifle, isang 1-Garrand rifle.

Ito anila ay bilang malinaw na hakbang mula kina Nasirin at Asara na magpapatunay na sila ay seryoso sa pagkamit ng kapayapaan, at pagbabalik-loob sa batas.

Isinailalim sila sa mga kaukulang documentation, bago ipinasa ang kustodiya sa kanila sa headquarters ng Joint Task Force Sulu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.