Voters’ registration wala ng extension-Comelec

By Jan Escosio April 27, 2017 - 04:00 AM

 

Andres-Bautista-1012Nanindigan ang Commission on Elections (Comelec) na wala ng extension ang voters registration na magtatapo sa araw ng Sabado.

Dagdag na paalala pa ni Comelec Chair Andres Bautista na hanggang alas-5:00 lang ng hapon bukas ang mga local Comelec offices.

Paliwanag pa nito na ang kanilang mga registration machine ay kaya lang tumanggap ng 250 applications sa isang araw.

Pinansin nito ang ‘last minute attitude’ ng ating mga kababayan na sa last day nagkukumahog o naghahabol.

Kayat payo ni Bautista, simula bukas ay may tatlong araw pa ang mga nais magparehistro para makaboto sila sa Barangay at Sk elections sa darating na Oktubre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.