Pagkabigong magamit ang 48 bagong tren ng MRT, paiimbestigahan sa Senado

By Jan Escosio April 27, 2017 - 04:24 AM

 

Inquirer file photo

Sa pagbabalik ng sesyon ng senado sa susunod na linggo, agad na hihilingin ni Sen Grace Poe na maimbestigahan nila ang napaulat na hindi na paggamit ng bagong biling 48 MRT coaches.

Sa panayam kay Poe, sinabi nito na dapat ay malaman kung sinu-sino ang responsable sa palpak na pagbili ng mga tren at kung kailangan humantong sa pagsasampa ng mga kaso ay nararapat lang ito dahil P3.8 bilyon ang masasayang.

Giit ni Poe, hindi naman maari na ipagsawalang bahala na lang ang kaligtasan ng daan-daan libong pasahero ng MRT.

Sinabi pa ni Poe na kailangan maipunto ang mga pagkakamali sa kontrata para magsilbi itong leksyon sa lahat upang hindi na maulit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.