Supt. Nobleza, kasal sa Abu Sayyaf member

By Len Montaño, Ruel Perez April 26, 2017 - 12:49 PM

NOBLEZAIkinasal ang police official na inakusahang nagliligtas sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa umano’y bombmaker ng bandidong grupo.

Ayon kay Region 7 Police Director Chief Supt. Noli Taliño, ikinasal si Supt. Maria Cristina Nobleza sa ASG member na si Renierlo Dongon sa isang muslim rites.

Paliwanag ni Taliño, nagbalik-Islam o nag-convert bilang muslim si Nobleza.

Naging muslim aniya ang police official noong nakatalaga ito bilang Deputy Regional chief ng Davao police crime laboratory.

Una nang ikinasal si Nobleza sa isa ring police official na ngayon ay attache officer sa Pakistan.

Nang maaresto sa checkpoint sa Clarin, Bohol ay sinabi ni Nobleza na nasa lugar siya para sa isang assignment pero wala itong maipakitang dokumento ukol sa umano’y operasyon.

Nakakulong na ngayon ang dalawa sa PNP headquarters sa Camp Crame.

Samantala, kinumpirma ni Taliño na kasama rin sa iimbestigahan ngayon ng PNP ang dating asawa ni Nobleza na si Sr. Supt. Alan Nobleza.

Ayon kay Taliño, 2010 pa umano annulled ang kasal ni Nobleza pero patuloy pa rin nitong ginagamit ang apelyido ng asawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.