April 28 idineklarang holiday sa buong Metro Manila

By Chona Yu, Den Macaranas April 25, 2017 - 03:59 PM

ProclamationIdineklara na ng Malacañang na isang special non-working holiday sa buong Metro Manila ang darating na araw ng Biyernes, April 28.

May kaugnayan ito sa gaganaping Association of South East Asian Nations (ASEAN) Summit na gaganapin sa bansa na magsisimula sa April 26 hanggang 29.

Nauna dito ay kinansela ng Malacañang ang klase at pasok ng mga empleyado sa mga lugar na paggaganapan ng mga pagpupulong ng mga delegado sa ASEAN Summit.

Ang Proclamation No. 197 na nag-tatalaga sa April 28 bilang isang special non-working holiday sa buong Metro Manila ay nilagdaan kanina ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Inaasahan na magsisikip ang daloy ng trapiko partikular na sa paligid ng Philippine International Convention Center (PICC) na siyang magiging sentro ng mga aktibidad kaugnay sa 30th ASEAN Summit na gaganapin sa bansa.

TAGS: april 28, Asean summit, Holiday, medialdea, PICC, april 28, Asean summit, Holiday, medialdea, PICC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.