Bayan ng Clarin sa Bohol, isinailalim sa state of calamity

By Rohanisa Abbas April 25, 2017 - 10:38 AM

CLARIN BOHOLIsinailalim sa state of calamity ang bayan ng Clarin sa Bohol, sa gitna ng patuloy na pagtugis sa mga natitirang myembro ng Abu Sayyaf group (ASG) na nakapasok sa lalawigan.

Ayon kay Clarin Mayor Allen Piezas, kahapon idineklara ang state of calamity sa lugar.

Sa pagtaya ni Piezas, humigit-kumulang 500 pamilya o 2,300 katao ang apektado ng operasyon ng militar laban sa bandidong grupo.

Ayon sa mga otoridaid, hindi bababa sa tatlong myembro ng ASG ang nanatili sa Clarin.

Nakaligtas ang mga ito mula sa bakbakan nang pumasok ang mga ito sa Inabanga, Bohol noong April 11 sa pangunguna ng ASG sub-leader na si Muammar Askali.

Napatay naman si Askali at iba pang myembro ng bandidong grupo nang makaengkwentro ang militar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.