Lady astronaut, record-holder sa pinakamatagal na pamamalagi sa outer space

By Jay Dones April 25, 2017 - 04:18 AM

 

Peggy WhitsonNakapagtala na ng world record ang babaeng astronaut na si Peggy Whitson bilang babaeng pinakamatagal na namamalagi sa kalawakan o outer space.

Sa kasalukuyan, si Peggy Whitson ay nakapagtala na ng kabuuang mamalagi 535 araw sa loob ng International Space Station.

Mas matagal ito kung ikukumpara sa naunang record ng isa pang astronaut na si Jeff Williams.

November 2016 nang lumipad patungong ISS si Whitson kasama ang dalawa pang astronaut mula sa Russia at European Sapce Agency upang magsagawa ng iba’t-ibang eksperimento sa outer space.

Bukod dito, si Whitson rin ang may hawak ng record na pinakamaraming oras ng ‘spacewalk’ na umaabot sa 57 oras at 22 minuto.

Sa edad na 57-anyos, siya rin ang pinakamatandang babae na nakapagbyahe sa kalawakan.

Dahil sa bagong record, personal na tinawagan ni US President Donald Trump at Ivanka Trump si Whitson mula sa Oval office at binati ito.

Sa kanyang inaasahang pag-babalik sa Earth sa Setyembre, makakapagtala na ito ng kabuuang 666 na araw sa outer space.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.