Ex-PBA star Bong Alvarez, inaresto dahil sa pananakit sa GF

By Jay Dones April 25, 2017 - 04:24 AM

 

handcuffInaresto ng Baguio City Police ang retiradong basketball player na si Paul ‘Bong’ Alvarez matapos itong ireklamo ng pananakit ng kanyang sariling girlfriend.

Personal na naghain ng reklamo ang biktimang si Mary Anne Dungca Ting, 38-anyos laban sa 48-anyos na dating PBA cager matapos siya umanong saktan nito, noong Linggo ng hapon.

Ayon sa pulisya, nauna nang nagkaroon ng pagtatalo umano ang dalawa sa isang restaurant sa Burnham Park sa Baguio City.

Gayunman, pagsapit sa Bgy. Loakan, dito na sinaktan sa hindi pa malinaw na dahilan ni Alvarez ang kasintahan.

Dito na naghain ng reklamo ang babaeng biktima sa mga otoridad.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti Violence Against Women and Children Act ang dating basketball player.

Ilang taon na rin ang nakalilipas nang masangkot rin sa iba pang ga kaso ng panggugulo ang tinaguriang Mr. Excitement ng PBA.

Taong 2007 nang makaaway nito ang apo ni dating Presidente Ferdinand Marcos na si Borgy Manotoc makaraang mapagkamalan nito na waitress ang girlfriend ng huli.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.