Vicky Belo, Hayden Kho ikakasal na

By Jay Dones April 25, 2017 - 04:25 AM

 

Mula sa inquirer.net

Sa Setyembre na ang nakatakang kasal nina Dr. Vicky Belo at ni Hayden Kho.

Sa pamamagitan ng mga text message na umano’y nagmula sa anak ng dalawa na tinanggap ng kanilang mga malalapit na kaibigan, inanunsyo ang nakatakdang pag-iisang dibdib ng dalawa.

Sa Paris gagawin ang kasal, batay sa isinasaad ng mensahe.

Naging kontrobersyal at makulay ang relasyon ng dalawa sa nakalipas na 12 taon.

Si Dr. Belo ang kilalang dermatologist at may-ari ng mga beauty and dermatology clinic sa bansa na kalimitang mga kliyente ay mga celebrities at mga kilalang personalidad.

Si Dr. Kho naman ay minsan na ring nagtangkang pumasok sa larangan ng showbiz.

Gayunman, naging kontrobersyal ito makaraang lumutang ang kanyang mga sex video kasama ang ilang mga babaeng artista.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.