Tambalang AlDub, ayaw papigil, may pag-asa pang matuloy

August 22, 2015 - 08:28 PM

Screengrab from GMA 7

May pag-asa pang magkatuluyan sina Alden Richards at Yaya Dub sa patok na patok na “Kalyeserye” ng Eat Bulaga.

Ito ay dahil sa pangalawang pagkakataon, hindi nagtagumpay ang kasalang Yaya Dub (Maine Mendoza) at Frankie Arenolli (Jose Manalo) dahil naman ngayon sa mga malalaking sikretong nabunyag.

Sa pinakahuling episode ng Kalyeserye ngayong Sabado, naudlot ang patapos na sanang kasal ni Yaya Dub at Frankie nang biglang arestuhin ng mga pulis ang pastor na nagka-kasal sa kanilang dalawa dahil sa mga kasong estafa at illegal recruitment.

Idineklara naman ng mga pulis na walang bisa ang kasal ng dalawa dahil peke ang pastor na nag-kasal sa kanila.

Kasunod nito ibinulgar naman ni Dr. Tan-Ning na nagkukunwari lang na may sakit si Lola Nidora at ayon kay Lola, ginawa lang niya ito para makasal sina Yaya Dub at Frankie at makuha ang 51 milyong piso.

Ani Lola Nidora, hindi naman talaga niya gustong ikasal sina Frankie at Yaya Dub at na gusto lamang niyang makuha ang pera para sana matubos ang kaniyang diary na puno ng mga sikreto.

“Hindi sapat ang yaman para ibigin ang isang tao. Ang pag-ibig ay nararamdaman. Hindi binibili. Ipinaglalaban … iniingatan. At ipinagkakaloob sa tamang panahon,” paliwanag ni Lola Nidora kay Frankie.

Matatandaang hindi rin natuloy ang kasal nila noong August 8 dahil naman sa pagka-himatay ni Maine Mendoza, sanhi para isugod siya sa ospital./Kathleen Betina Aenlle

TAGS: AlDub, kalyeserye, AlDub, kalyeserye

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.