20 patay sa salpukan ng truck at minibus sa South Africa

By Kabie Aenlle April 22, 2017 - 06:14 AM

Photo from ER24EMS
Photo from ER24EMS

Nasawi ang 19 na mga batang estudyante at ang driver ng minibus na kanilang sinasakyan, matapos itong sumalpok sa isang truck at sumabog sa Mpumalanga sa South Africa.

Ihahatid na pauwi ng sasakyan ang mga bata mula sa paaralan nang mangyari ang aksidente sa pagitan ng mga bayan ng Verena at Bronkhorspruit.

Ilang mga bata pa ang nasugatan dahil sa insidente, habang na-trap naman sa loob ng nasunog na sasakyan ang mga bangkay ng mga nasawing estudyante.

Sa ngayon ay hindi pa natutukoy ang dahilan kung bakit nagsalpukan ang dalawang sasakyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.