Duterte, gusto mag-overnight sa Pag-asa Island

Posted in: Featured, Latest News, National

Duterte, gusto mag-overnight sa Pag-asa Island

By:

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Kung si Pangulong Rodrigo Duterte umano ang masusunod, gusto sana nito na mag overnight sa Pag-asa Island sakop ng Kalayaan, Palawan.

Nauna na kasing sinabi ng pangulo na balak nitong lumipad dito sa Pag-asa Island sa araw ng Kalayaan, June 12 at maglagay ng bandila ng Pilipinas sa isla.

Pero ayon kay DND Delfin Lorenzana, hindi na matutuloy ang pagbisita ng Pangulo dahil na rin umano sa protesta ng China sa naunang hakbang.

 Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Imbes, si Cabinet Secretary na lamang umano ang tutungo dito sa Pag-asa sa June 12 at hindi na ang pangulo.

Bumisita ngayong araw sa Pagasa Island si DND Lorenzana kasama si AFP Chief of Staff Gen Eduardo Año, mga concerned government agencies ng pamahalaan, Governor ng Palawan na si Jose Pepito Alvarez upang kumustahin ang tropa ng pamahalaan at ibalita ang plano ng pamahalaan para sa isla, planong pagpapagawa ng mga proyekto at pagdadagdag ng pasilidad para sa mga residente at mga sundalo.

 

Leave a comment