Dalawang miyembro ng Ipit Gang arestado sa QC

Posted in: Featured, Latest News, Metro

Dalawang miyembro ng Ipit Gang arestado sa QC

By:

Kuha ni Jong Manalapaz
Kuha ni Jong Manalapaz

Arestado ang dalawa sa pitong miyembro ng Ipit Gang na nambiktima sa loob ng isang Yohan Express Bus sa kanto ng EDSA Munoz at Congressional Avenue sa Quezon City.

Ayon sa driver ng naturang bus na si Alexis Taclob, tinatahak nila ang kahabaan ng EDSA nang mapansin nyang iniipit na ng mga suspek ang isang pasahero.

Buti na lamang at napansin ni Taclob ang mobile ng QCPD na nakaparada sa EDSA Munoz kayat agad niyang inihinto sa tapat nito ang kanyang minamanehong bus.

Dito na nagkagulo ang mga pasahero at nag-unahan na sa pagbaba kasabay ng mga suspek.

Ngunit namukhaan ng driver ang dalawa sa mga suspek kayat agad na inaresto at pinosasan ang mga ito.

Sa ngayon nakapiit na sa QCPD Station 2 ang mga suspek na nahaharap sa mga kasong robbery/holdap.

Leave a comment