Pulis, patay sa pamamaril sa Paris; suspek, napatay rin

Posted in: Featured, Foreign, Latest News

Pulis, patay sa pamamaril sa Paris; suspek, napatay rin

By:

franceIsang pulis ang nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan sa pamamaril sa Central Paris.

Nasawi rin ang suspek sa pamamaril na naganap sa Champs-Elysees Shopping Boulevard, ilang araw lang bago ang presidential elections sa france.

Ayon sa isang testigo na nakapanayam ng Reuters, isang lalaki ang bumaba sa sasakyan at biglang namaril gamit ang machine gun.

Isang police source rin ang nagsabi na may mga nagpaputok pa ng baril sa iba pang lokasyon malapit sa unang pinangyarihan ng insidente.

Sinabi naman ng French Interior Ministry na masyado pang maaga para tukuyin ang motibo sa pamamaril, pero malinaw na mga pulis ang target ng mga suspek.

Sinimulan naman na ng Counter-Terrorism Office ng French Prosecutors’ Office ang imbestigasyon sa insidente.

Leave a comment