Lalaking nakikipag-inuman, pinagbabaril, patay sa Muntinlupa City

Posted in: Featured, Latest News, Metro

Lalaking nakikipag-inuman, pinagbabaril, patay sa Muntinlupa City

By:

Map-of-Muntinlupa-CitySa trahedya humantong ang masaya sanang inuman matapos umatake ang dalawang armadong lalaki sa Brgy. Tunasan, Muntinlupa City.

Patay ang biktimang si Danilo Marcellana na nagtamo ng iba’t ibang tama ng bala sa katawan at sugatan rin si Miriam Forbes na tinamaan naman sa tiyan.

Batay sa kwento ng kaibigan ng mga biktima na si Marlon Arenas, nag-iinuman sila sa tapat ng bahay ng biktima nang dumating ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki at nagpaulan ng bala.

Nakuha sa crime scene ang limang basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Hinala ng mga pulis, posibleng matagal nang away ang motibo sa likod ng pamamaril.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Muntinlupa City Police sa nasabing krimen.

Leave a comment